19K TRABAHO ALOK SA MALAWAKANG FACE-TO-FACE JOBS FAIR SA REGION 1

Aabot sa 19,000 na trabaho ang alok malawakang jobs fair ng Department of Labor and Employment Region 1.
Inanunsyo ng ahensya na isasagawa ang face-to-face jobs fair matapos ibaba ang Alert Status ng rehiyon sa Alert Level 1.
Pagtugon ito ng kagawaran sa mga manggagawang nawalan ng trabaho sa rehiyon at pagsigla mula ng ekonomiya.

Ayon kay DOLE Regional Director Attorney Evelyn Ramos, nasa 15, 109 ang trabahong alok sa local at 3, 916 sa overseas.
Mataas aniya ang bilang na alol sa local upang hindi na umalis pa ang mga manggagawa sa rehiyon.
Dahil dito, hinikayat ng ahensya ang mga job seekers na magpunta sa mga jobs fair dahil mataas ang tiyansa na ma hired on the spot. | ifmnews
Facebook Comments