Alagang Baboy na Namatay dahil sa ASF sa Kalinga, Pumalo ng higit 6,000

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng kabuuang 6,977 na alagang baboy ang namatay dahil sa sakit na African Swine Fever simula Setyembre 20,2019 hanggang Hulyo 20,2020 sa Tabuk City, Kalinga.

Batay sa ASF Depopulation Report ng City Veterinary Office, 130 baboy ang isinailalim sa culling simula Hulyo 20 hanggang Setyembre 9,2020.

Ayon kay Asst. City Veterinarian, Dr. Carmen Wanas, umakyat sa kabuuang 1,199 ang mga namatay na baboy mula sa Barangay Bulanao, 912 mula sa Barangay Agbannawag at 753 mula sa Barangay Lacnog, kung saan nanguna ang tatlong barangay sa may mataas na mortality sa alagang baboy dahil sa ASF.


Ipinaliwanag naman ni Dr. Wanas na makaraang matanggap ang report ay agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang nagpalabas ng Notice of Disease Outbreak sa mga lugar na may positibong kaso ng ASF.

Samantala, bilang alternatibong pangkabuhayan ng mga apektado ng ASF ay nagpamahagi ng 17,000-day old chicks at 340 bags ng feeds sa 1,110 hog raisers.

Sa ngayon, tanging Barangay ng Dupag, Lanna, Masablang, Cabaruan, Dagupan Centro at Callacad ang wala pang naitatalang kaso ng pagkamatay ng kanilang mga alagang baboy.

Nagpamahagi na rin ng mga bitamina at disinfectants sa mga hog raiser.

Facebook Comments