Alagang Baboy sa Bayan ng Gamu, Paubos na

Cauayan City, Isabela- Halos paubos na ang mga alagang baboy sa bayan ng Gamu sa Isabela.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Mayor Nestor Uy sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.

Aniya, ang labing anim (16) na mga barangay na sakop ng bayan ng Gamu ay naapektuhan na ng African Swine Fever (ASF).


Maraming backyard at hog raisers aniya ang nalugi sa pagkakasakit ng mga alagang baboy na isinailalim sa culling.

Ibinahagi nito na tinatayang aabot sa apat (4) na libong baboy ang ibinaon sa lupa na halos mga kinuha sa mga maliliit na piggery.

Inamin naman nito na walang tulong na manggagaling sa barangay para sa mga may-alaga na naapektuhan dahil sa kakulangan ng pondo subalit mayroon naman aniyang programa ang Department of Agriculture (DA) na maaaring makapagbigay ng tulong sa mga naluging hog raisers.

Kaugnay nito, mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng mga lagad ng batas sa kanilang quarantine at ASF Checkpoints upang mapigilan ang posibleng pagpasok at paglabas ng live hogs at mga produkto nito.

Facebook Comments