Alamin ang bagong kinahuhumalingan ng mga fantasy fans sa Argentina

Argentina – Sumailalim sa sangkaterbang plastic surgery ang isang lalaki sa Buenos Ares, Argentina para matupad ang kanyang pangarap na maging isang real-life elf.

Ang Argentinian fantasy fanatic na si Luis Padron, ay walang takot na nagpa-opera ng makuha para magmukha siyang duwende.

Ayon sa binata, nagsimula siyang mahumaling sa mundo ng pantasya matapos siyang makaranas ng pambubully noong 14 anyos pa lang siya.


Makalipas ang anim na taon, sinimulan na niya ang pagpapapableach ng kanyang balat at buhok na nasundan naman ng liposuction at pagpapabotox.

Gumagastos si luis buwan-buwan ng £4,000 para sa kanyang mga treatment at spf100 sunscreen.
Sa kabuuan, umabot na ang sa halagang £25,000 ang kanyang nagagastos para sa pangarap niyang ito.

DZXL558

Facebook Comments