Ranggo ng Pilipinas sa 2017 World Freedom Index – tumaas

44

Manila, Philippines – Mula sa ika-138, umakyat ng labing isang pwesto ang Pilipinas sa 2017 World Press Freedom Index.

Sa inilabas na resulta ng reporters without borders na isang international non-profit at non-governmental organization na dumedepensa sa freedom of the press – nasa ika-127 na ranggo na ang Pilipinas.

Nakakuha ang bansa ng global score na 41.08 kumpara sa 44.66 noong nakaraang taon, batay na rin sa pagbaba ng bilang ng mga mamamahayag na napatay noong 2016.

Pinagbatayan ng Reporters Without Borders ang ranggo ng 180 bansa sa lebel ng kalayaan sa mga mamamahayag.

Sa kabila nito, nananatili pa rin anila ang Pilipinas sa mga delikadong bansa para sa media men.

Maliban dito, isinama rin ng Reporters Without Borders ang Pilipinas sa mga bansang may “difficult situations” kasunod ng mga nagiging patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte sa media.

Samantala, 21 bansa ang napabilang sa “very bad” category o nakamarka ng kulay itim sa press freedom map habang 51 naman ang “bad” o nakamarka ng kulay pula.

Sa kabuuan, lumala ng 62.2 porysento ang sitwasyon ng media sa mundo ngayong taon.

DZXL558

Facebook Comments