ALAMIN ANG ILAN SA MGA KILALANG SIMBAHAN O PILGRIMAGE NA NAGHAHANDA SA TRADISYONAL NA PAGBISITA NG MGA DEBOTO NGAYONG SEMANA SANTA

Sa nalalapit na paggunita ng semana santa, ilan sa atin tuloy pa rin ang nakaugaliang Visita Iglesia kaya asahan na naman ang dagsa ng mga mananampalataya. Panahon ito upang magdasal, magmuni-muni, magpenitensya o pakikiisa sa tradisyonal na pabasa.
Hudyat ng Semana Santa ang Palaspas at magtatapos ito ng muling pagkabuhay o Easter Sunday.
Mula dito sa ating lalawigan sa Pangasinan ilan sa mga kilalang simbahan o pilgrimage ang naghahanda sa tradisyonal na pagbisita. Ilan sa mga pwedeng puntahan ay gaya ng Sr. Tesoro at Saint Peter and Paul ng Calasiao, ang Guinness world record Bamboo structure ng St. Vincent Ferrer ng Bayambang, ang Minor Basilica ng Our Lady of Manaoag, sa Manaoag, ang Christ the Redeemer o “Ayat ni Apo Jesus”, ng Natividad, Christ the Savior, Pilgrimage Island ng Alaminos City at ang bagong Minor Basilica of St. Dominic De Guzman sa San Carlos city.

Samantala may paniniwala na ang mga taong nakakumpleto sa Visita Iglesia ay gagantimpalaan.
Mula sa IFM, naway maging daan ito upang alalahanin natin ang naging sakripisyo at pagmamahal ng ating Panginoon. |ifmnews
Facebook Comments