Alamin ang mga misteryo kung bakit hindi nagdidikit-dikit ang mga dahon ng magkakatabing puno

Panghimagas – Agaw-atensyon sa Borneo rainforest ang kakaibang itsura ng mga puno roon kung saan tila nag-iiwasan ang mga ito.

Hindi kasi nagdidikit ang mga sanga at dahon ng isang puno sa iba pang mga puno.

Natural phenomenon ito ng ilang tree species na kung tawagin ay crown shyness o canopy disengagement.


Base sa ilang ekperimento, posibleng hindi nayuyugyog ng hangin ang mga puno roon kaya nagkakaroon ng gap sa mga sanga at dahon nito.

Habang sabi ng iba, natural defense mechanism ito ng mga puno para maiwasan raw ang pagkalat ng mga leaf-eating insect.

Pero sa ngayon, ang pinakamagandang explanation kung bakit nangyayari ito ay dahil nagri-release umano ng ethanol ang mga dahon ng Borneo camphor trees na pumipigil sa kanila na yumabong nang close sa isa’t isa.

Mas makikita ang gap sa pagitan ng mga puno kung titingnan ito mula sa ibaba.

Facebook Comments