Karla Estrada, namagitan na sa alitan nina Daniel Padilla at Paul Salas – Fila-Am Young singer Angelica Hale, pasok na sa semifinals ng America’s Got Talent

Showbiz – Nakisali na din ang mommy ni Daniel Padiila na si Karla Estrada sa naging hamunan sa pagitan ng kaniyang anak at ng kapwa nitong artista na si Paul Salas.

Pero, imbes na magalit at kunsitihin ang dalawang partido iba ang naging reaksiyon ni Karla kung saan sa kanyang twitter account, sinabi nito na huwag nang gatungan ang sitwasyon at pinatitigil na sila sa anumang plano para wala nang lumabas na negatibong reaksiyon.

Naging matindi ang komento ng supporters ni Daniel laban kay Paul, via social media, dahil sa tila pangungutya sa kanilang idolo kaugnay ng nangyaring girian sa pagitan ni Daniel at JC de Vera sa nakaraang star magic all-star basketball game.


*Samantala, *pasok na sa semi-finals ng America’s Got Talent (AGT) ang Filipina-American young singer na si Angelica Hale.

Sa resulta ng America’s Got Talent, isa ang 9-year old singer sa pitong mga contestants na nakapasok na sa semi-finals kung saan kinanta nito ang “clarity” na pinasikat ni Zedd.

Facebook Comments