Alamin kung saan matatagpuan ang pinakamahal na hamburger

Netherlands – Tinaghal ng Guinness World Records na pinakamahal na hamburger ang matatagpuan sa The Hauge, Netherlands.

Ito ay ang luto ni Diego Buik, ang may-ari ng South of Houston Restaurant.

Nagkakahalaga lang naman kasi ang isang hamburger ng 1,785 pound o P114,150.


Ang hamburger ay napapalamanan ng Japanese dry-aged wagyu, black angus beef patty lobster, caviar, foie gras, truffle at ang saffron buns ay binalot sa gold leaf.

Ayon kay Buik, hindi kasali sa menu ang nasabing hamburger dahil nga sa kamahalan nito.

Pero kaniya aniya itong ise-serve kung ire-request ng kaniyang customer.
DZXL558

Facebook Comments