“A proud 7-eleven baby!”
Ganito inilarawan ng mag-asawang Johntez Brown and Rachel Langford mula Missouri sa bansang Estados Unidos ang kanilang bagong silang na munting anghel na si J’Aime.
Ayon sa dalawa, mayroon nakatutuwang pangyayari kung bakit binansagan “7-eleven baby” si J’Aime.
Ipinanganak ni Rachel ang sanggol nitong Hulyo 11 o 7/11. At iniluwal niya ang bouncing baby girl ng alas-siyete onse ng gabi.
Kuwento pa nila, ang timbang ni baby J’Aime ay seven pounds at 11 ounces.
Sabi ni Rachel, madalas makakita ang kanyang anim na taong gulang na anak ng numerong 7 at 11 habang pinagbubuntis niya si J’Aime pero hindi nila ito binigyan ng kahulugan.
“I thought it was weird at first, and I didn’t know that (the numbers) meant so much. A lot of the times (during the pregnancy) I would look at the clock and it was 7:11,” ani Rachel.
Nais din ibahagi ng proud parents ang pangyayari sa pamunuan ng sikat na convenience store.