Catriona Gray, nagsalita na sa Thai beauty queen’s controversial post

896
File photo

Sa kauna-unahang pagkakataon nagsalita na si Miss Universe 2018 Catriona Gray tungkol sa body-shaming and online bullying.

Matatandaan na si Coco Arayha Suparurk, Miss Grand Nakhon Panom 2019, ay nagbahagi sa Instagram story ng cropped photos nina Clara Sosa, Miss Grand International 2018 at Catriona Gray na may ‘fit’ na may ‘fat’ remarks.


Dahil sa offensive post na ito, binash ng mga netizen si Coco at sinabing hindi ugali at wala sa personalidad ng isang beauty queen ang i-body shame ang kapwa nito babae.

Sa twitter party ni Catriona sinagot niya ang mga tanong ng netizens tungkol sa body shaming at online bullying nitong Hulyo 13.

Ayon kay Catriona, hindi dapat itinotolerate ang kahit ano pa mang bodyshaming at hindi naman niya binigo ang fans na sagutin ang mga tanong nila at nagpahayag ng insecurities.

Paliwanag ni Catriona, “Obviously I stand firmly against any form of bullying and bashing – online and off.”

“It is never, ever okay to put someone down for the sake of “expressing your opinion”. With words come power and we should be using those words to build someone up and not pull them down,” dagdag niya.

Facebook Comments

From Advertisers