ALAMIN | lebel ng tubig sa mga dam

44

Nagpakawala na ng tubig ang ilang dam sa Luzon.

Kaninang alas-12:00 ng hatinggabi, isang gate na ang binuksan para maglabas ng tubig ang Ipo dam ng 61.9 cubic meter per second.

Apektado nito ang mga lugar na dinadaanan ng angat river mula Norzgaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliwag, Pulillan, Plaridel at Hagonoy sa Bulacan.

Alas-2 kaninang umaga, nagpalabas na rin ng tubig sa San Roque Dam.

Apektado ng San Roque dam ay mga bayan ng San Manuel, San Nicolas, Tayug, Santa Maria, Asingan, Villasis, Alcala, Baustista, Rosales, at Bayambang sa Pangasinan.

Narito ang lebel ng tubig sa mga sumusunod na dam: (as of 3:00 am)
Angat – 198.62 meters
Ipo – 101.48 meters
Ambuklao – 751.92 meters
Binga – 573.88 meters
San Roque – 279.99 meters
Magat- 189.7 meters
Caliraya – 286.25 meters

Facebook Comments