LUBOG | Ilang barangay at bayan sa Bataan at Rizal, lubog sa baha

87

Aabot na sa 2,000 pamilya o higit 7,000 indibidwal ang inilikas mula sa walong barangay sa *San Mateo, Rizal.*

Ayon sa San Mateo MDRRMO, hanggang dibdib ang baha sa ilang lugar ng bayan.

Nananatili sa 20 evacuation centers ang mga lumikas na residente.

———————–

*Sa Rodriguez, Rizal… *umapaw naman ang tubig sa montalban river na nagresulta ng halos lagpas-taong baha sa Estrella Heights sa Barangay Burgos at Dela Costa Homes.

Kasalukuyang nasa siyam na evacuation centers ang nasa 9,000 residente.

———————-

Higit 400 residente naman ang lumikas sa *Dinalupihan, Bataan* at dinala na sa siyam na evacuation centers.

Isang lugar sa bayan ang lagpas-tao ang baha habang nalubog din sa tubig ang ilang bukid.

——————–

*Sa Hermosa, Bataan…* lumubog sa baha ang mga Barangay ng Almazen, Daungan, Sabah, Mandama, at Polo.

——————–

*Sa Balanga, Bataan… *binaha ang mababang bahagi ng Doña Francesca.

Facebook Comments