
Nagsagawa ng motorcade ang Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-36 Civil Registration Month, kasabay ng isinagawang Palengke Tour upang higit na maipaalam sa publiko ang kahalagahan ng maayos at tamang pagrerehistro ng bawat mamamayan.
Umiikot ang motorcade sa mga pangunahing lansangan ng lungsod kung saan hinikayat ang mga mamamayan hinggil sa mga serbisyo ng civil registry, kabilang ang pagpaparehistro ng kapanganakan, kasal at kamatayan, pati na ang pagwawasto ng mga rekord.
Pinangunahan ng City Civil Registrar’s Office ang aktibidad bilang simbolo ng pagkakaisa at suporta sa patuloy na pagpapaunlad ng civil registration sa lungsod.
Layunin din nitong hikayatin ang mga residente na tiyaking maayos at kumpleto ang kanilang mga dokumento, na mahalaga sa pag-avail ng iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan.
Nakiisa rin ang iba’t ibang ahensya at tanggapan at iba pang opisina ng Lokal na Pamahalaan bilang suporta sa pagdiriwang ng Civil Registration Month. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







