Niyanig ng magnitude 7.8 na lindol ang Alaska kaninang 2:12 ng hapon (oras sa Pilipinas).
Sa datos ng U.S. Geological Survey, namataan ang episentro ng lindol sa layong 500 milya ng southwest ng Anchorage at 60 milyang layo sa timog timog-silangan ng Perryville.
Ito ang itinuturing na pinakamalakas na pagyanig sa buong mundo ngayong taon.
Naglabas naman ng tsunami warning sa Alaska Peninsula at South Alaska.
Wala namang direktang epekto ito sa Pilipinas ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)
Facebook Comments