Alay ko sa mga taga Buldon ang SGLG Award-Mayor Manalao

Lubos ang pagpapasalamat ni Buldon Mayor Abolais Manalao sa parangal na kanilang tinanggap mula sa Department of Interior and Local Government ang “Seal of Good Local Governance.”
Ang “Pagkilala sa Katapatan at Kahusayan ng Pamahalaang Lokal” award ay alay nito sa lahat ng kanyang mga kababayan na nakiisa sa kanilang isinusulong na adbokasiya dagdag ni Mayor Manalao.
Pinasalamatan rin nito ang pamunuan ng 37th Infantry Battalion sa pangunguna ni Col. Florencio Pulitod Jr., CIns Sandro Ampad ng Buldon MPS na naging katuwang nito sa pagpapanatili ng katiwasayan sa buong bayan at naiayos ang halos ilang dekada na mga away pamilya.
Binigyan ring papugay ng LGU Buldon ang lahat ng mga opisyales nito, mga kawani na nag alay ng isang daang porsyentong katapatan sa pagseserbisyo. Noong nakaraang araw ay personal na tinanggap ni Mayor Manalao ang SGLG Award sa Manila Hotel kasama ang 19 pang LGU mula ARMM na bingyan rin ng kahalintulad ng parangal kabilang na ang mga LGUs mula Iranun Towns sa Maguindanao.
Nakatakda namang ilalaan sa pagpapatayo ng Museum o isang gusali na magpapakilala pa sa mga angking yaman, tradisyon at kultura ng mga taga Buldon ang matatanggap na 2 milyong halaga ng proyekto mula DILG.

Facebook Comments