Alay Lakad 2018 sa Cauayan City, Dinaluhan ng Mahigit Tatlong libong kabataan at Local Inter-Agencies!

169

Cauayan City, Isabela – Dinaluhan ng mahigit tatlong libong mga kabataan at local na mga inter-agencies ang alay lakad 2018 bilang paggunita sa kaarawan ni dating gobernador at mayor Ben Dy.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Sangguniang Panlungsod Member Marco Paulo Meris, sinabi niya na nakiisa ang iba’t ibang estudyante ng mga iba’t ibang paaralan sa lungsod kasama ang LGU’s, PNP, BFP at iba pang ahensya.


Aniya ang taunang pagsasagawa ng alay lakad ay inumpisahan pa umano ni dating Mayor Ben Dy bilang suporta sa mga kabataan na hindi na nag-aaral kung saan ay nais makamit umano ng naturang programa ang zero out of school youth ng Cauayan City.

Samantala ang alay lakad na may temang “The Ben Walk for a Cauase Alay Lakad Kabataan Suporta ng Bayan” ay pinangunahan ni Mayor Bernard Dy, Vice Mayor Bong Dalin at lahat ng city councilors ng lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments