Albayalde, nagbitiw na bilang PNP chief

Nagbitiw na bilang PNP chief si Police General Oscar Albayalde  at pinili ang non duty status sa huling flag raising ceremony na kanyang pinangunahan ngayon sa Camp Crame.

Isinumite niya ang pagbibitiw kay DILG Secretary Eduardo Año.

Papalit pansamantala sa puwesto ni Albayalde bilang OIC PNP chief si Chief for Operation Police Lieutenant General Archie Gamboa.


Hihintayin na lang niyang dumating ang araw ng kanyang pagreretiro sa Nobyembre 8.

Una nang nadawit ang pangalan ni Albayalde sa umano’y ninja cops ng Pampanga na nagre-recycle ng mga ebidensyang drogang kanilang nakukumpiska.

Sa kaniyang speech sa flag raising ceremony dinipensahan niya ang kaniyang sarili na hindi siya kinasuhan sa maanomalyang 2013 Pampanga drug operations at hindi siya kailanman nakinabang sa nasabing operasyon.

Nagpasalamat siya kay Pangulong Duterte sa tiwala gayun din sa lahat ng mga pulis at sinabing ituloy ang pagiging dedikasyon sa serbisyo.

Aniya ituloy nila ang pagseserbisyo sa taumbayan para patuloy na magkaroon ng kapayapaan sa bansa.

Facebook Comments