Alcohol, hand sanitizers at PPEs, pinadedeklarang basic necessities ng DTI

Pinadedeklara ng Department of Trade and Industry na maging ‘basic necessities’ ang alcohol, hand sanitizers, at Personal Protective Equipment lalo ngayong COVID-19 pandemic.

Ayon sa DTI, upang maisagawa ito, kailangang maamyendahan ang Republic Act No. 7581 o ang Price Act na pinirmahan noong Mayo 1992 at naging epektibo noong June 1992.

Paliwanag ni DTI Undersecretary Ruth Castelo, mahalagang maipasama ang mga ito sa basic necessities lalo na ngayong panahon ng pandemic.


Sa kasalukuyang batas, kailangan ng pagpayag ng Presidente sa pagtatanggal ng mga nakalista sa basic necessities kung saan kasama ang bigas, isda, karne, itlog, at iba pa.

Sa ilalim ng proposal ng DTI, maibibigay ang mandato sa National Price Coordinating Council (NPCC) kung saan papayagan din na sila ang magsama sa listahan ng mga kailangan.

Facebook Comments