Alden Richards at Nadine Lustre, nais magsama sa pelikula

Inamin ng Kapuso aktor na si Alden Richards at Kapamilya actress na si Nadine Lustre na interesado silang magsama sa pelikula.

Say ni Alden, masarap at magaan katrabaho si Nadine dahil minsan na rin silang nagkasama sa photoshoot ng isang clothing line.

Kung matutuloy, ito ang kauna-unahang project ng aktres kasama ang non-Kapamilya actor.


Sa parte naman ni Alden, ito ang second time niyang makakatambal ang ibang aktres galing sa Kapamilya network.

Una nang nakasama sa pelikula ni Alden si Kathryn Bernardo sa blockbuster film na ‘’Hello, Love, Goodbye.’’

Facebook Comments