4 na bagong kaso ng COVID-19 sa Taiwan, galing sa Pilipinas

Nadagdagan pa ng limang bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) ang bansang Taiwan kung saan apat sa mga ito ay may travel history sa Pilipinas.

Ayon sa Taiwan Ministry of Health and Welfare, dalawa sa mga nagpositibo ay mga nagtrabaho sa Pilipinas at kalaunan ay nagpakita ng sintomas.

Ang dalawa naman na couple na may edad na ay bumisita sa kanilang kaanak noong Enero.


Sabay-sabay silang bumalik sa Taiwan, sakay ng iisang flight noong Hulyo 26, 2020.

Tiniyak naman ng Taiwan Ministry of Health and Welfare na nasa quarantine facilities na ang mga ito at patuloy ang contact tracing.

Facebook Comments