Alden Richards napaluha matapos purihin ni Direk Cathy Garcia Molina

171
Image via GMA Network website

Naging emosyonal si Kapuso actor Alden Richards matapos purihin ng kanyang directors sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye” na si Cathy Garcia-Molina.
Sa ginanap na media conference nitong Miyerkules, ibinida ni Direk Cathy si Alden bilang isa sa mahuhusay at mababait niyang nakatrabaho sa industriya.

“Noong sinabi nilang Alden, sabi ko, ‘Hmm taba lang’ pero sabi ko, ‘Mukhang marunong umarte ‘tong bata na ‘to,” biro ng premyadong direktor.
Dagdag niya, “Nagkamali ako. Hindi siya marunong, magaling siya.”
Hindi napigilan maluha at yakapin ni Alden si Direk Cathy dahil sa mga encouraging words na sinambit.
Hanggang sa social media, pinasalamat pa din ni Pambasang Bae ang batikang filmmaker.
Sa kanyang Instagram post, inihayag nitong isang malaking inspirasyon at karangalan makatrabaho at matuto kay Garcia-Molina.

 “This is probably one of my highlights as an actor… I am grateful for the opportunity to work with and learn from you, Direk. For your words of wisdom and encouragement, Direk Cathy… thank you,” mensaheng isinulat ni Alden.

Kasama niya din sa pelikula sina Kathryn Bernardo, Maymay Entrata, Lovely Abella, Kakai Bautista, Jeffrey Tam, at Joross Gamboa.

Ipapalabas sa mga sinehan ang “Hello, Love, Goodbye” sa darating na Hulyo 31.

Facebook Comments