Alden Richards, todo paghahanda na sa kaniyang nalalapit na concert

Manila, Philippines – Todo paghahanda ngayon ang pambansang bae na si Alden Richards Sa kaniyang naklakapit na concert sa May 27 sa Kia Theater.

Hindi na nga tumanggap pa ng ibang project si Alden dahil busy na siya sa rehearsal at mayroon pa siyang noontime show at teleserye.

Thankful din si Alden sa mga guest niya sa concert at ang lahat daw ng ito ay para sa kaniyang mga fans.


Abangan din daw ang performance nila ng kaniyang ka-love team na si Maine Mendoza dahil siguradong pakikiligin nila ang mga manonood.
Excited naman na din ang mga Aldub nation sa nasabing concert at ngayon pa lang ay kaniya-kaniya na silang nagbibigay ng mga komento sa social media.

DZXL558

Facebook Comments