Gilas Pilipinas 5.0, all set na mamaya sa SEABA championship

Manila, Philippines – All set na ang Gilas Pilipinas 5.0 sa magiging laban nila mamaya kontra Myanmar mamayang alas-7:00 ng gabi sa Araneta Coliseum.

Excited na ang ilang players tulad nina RR Pogoy at Matthew Wrgiht dahil ito ang unang pagkakataon na sasabak sila sa international competition.

Maging ang naturalized player na si Andray Blatche ay excited na din dahil muli siyang maglalaro sa national team at pumunta pa ng bansa ang kaniyang nanay para manood ng laro nito.


Hindi naman kuntento pa si Coah Chot Reyes sa pagtatapos ng training ng Gilas pero kumpiyansa siya na magkakaroon pa rin ng magandang performance ang koponan.

Umaasa din si Reyes na magtatagumpay sila sa SEABA para matiyak ang kanilang pagpasok sa FIBA Asia qualifying tournament.

DZXL558

Facebook Comments