ALDUB | Most tweeted-about love teams sa Twitter

Manila, Philippines – Itinanghal bilang “most tweeted-about love teams” ang tambalan nina Maine Mendoza at Alden Richards o mas kilala bilang Aldub.

Base ito sa resulta ng “#this happened in the Philippines in 2017” ng Twitter bilang bahagi ng kanilang pagbabalik-tanaw sa timeline ng mga Pinoy para sa buong taon.

Pangalawa rin si Alden sa most tweeted celebrity sa Pilipinas habang 5th place sa listahan ng most tweeted celebrity sa buong mundo si Maine Mendoza.
Bukod sa tambalang Maine at Alden, pasok din sa most tweeted sa Pilipinas ang Miss Universe pageant noong January 2017 na ginanap sa MOA Arena.


Pang-pito naman sa listahan ang katatapos lang na UAAP season 80 gamit ang hashtag na #UAAPSeason80.

Facebook Comments