GUN RUNNER | 2 taga-benta ng baril ng inmate sa Bilibid, arestado!

Manila, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang gun runners o taga-pagbenta ng baril ng isang inmate sa New Bilibid Prison (NBP).

Kinilala ang mga suspek na sina Gerry Desoacido at Maurito Reniedo na isang dismissed na pulis.

Ayon kay CIDG-NCR Chief Sr./Supt. Wilson Asueta, alas 7:30 ng gabi noong Linggo nang maaresto ang dalawa sa isang KTV bar sa F.B. Harrison Street sa Pasay City.


Narekober sa kanila ang iba’t-ibang klase ng baril gaya ng galil automatic rifle caliber 5.56, jerico 9mm pistol na isang government property, taurus 24/7 caliber 40 pistol, anim na magazine at mga bala.

Facebook Comments