Ito ay makaraang kumalat ang ulat matapos mai-ere sa isang kilalang radio station na nakabase sa Metro Manila.
Ayon sa pahayag ni PMaj. Oscar Abrogena, Chief of Police ng PNP Aritao, sinabi nitong nagresponde sila sa isang report ng umano’y nagaganap na vote buying sa Brgy. Beti, Aritao, Nueva Vizcaya dakong alas 11:45 ng gabi ng Mayo 7, 2022 subalit wala silang naabutan sa naturang lugar.
Nang paalis na ang kanilang tropa, nakasalubong nila sa daan ang convoy ng limang sasakyan kung saan pansamantala silang tumigil ng makatapat nila ang mga ito at kalauna’y umalis rin ang kanilang tropa dahil wala umano silang basehan para sitahin ang naturang convoy.
Paglilinaw ng opisyal, walang nangyaring vote buying taliwas sa report na nakarating sa himpilan ng radyo dahilan para ibalita ito.
Posible aniyang binigyan lamang ng kulay at negatibong espekulasyon ang impormasyon hinggil sa saglit na pagtigil ng sasakyan ng PNP Aritao kung saan naroon ang tinutukoy na convoy.
Binigyang diin naman ni NVPPO Provincial Director PCol. Ranser Evasco na kailanman ay hindi kukunsintihin ng kanyang pamunuan ang vote buying sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.