Alegasyon ni retired General Parlade kay Senator Go, walang batayan

Kumbinsido si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na walang basehan ang sinabi ni retired General at presidential aspirant Antonio Parlade na kinokontrol ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ito ni Dela Rosa sa budget sa budget deliberations ng Senado kung saan natanong ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kung totoo ang mga sinabi ni Parlade laban kay Go.

Si Dela Rosa ang nagdedepensa ng panukalang pondo ng Department of National Defense (DND) para sa susunod na taon.


Sabi ni Dela Rosa, nakausap niya si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino at DND Secretary Delfin Lorenzana at pareho nilang itinanggi ang mga naging pahayag ni Parlade.

Facebook Comments