Flights ng PAL, 40% nang nag-o-operate

Nasa 120 flights na lamang ng Philippine Airlines ang nag-o-operate kada araw.

Ito ay katumbas ng 40% na operasyon ng international at domestic flights ng PAL.

Bago ang COVID-19 pandemic, 300 kada araw ang domestic at international flights ng PAL.


Pinaghahandaan na rin ng flag carrier ang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Christmas season kasabay ng pagluluwag ng restriction sa bansa

Ito ay sa harap naman ng pagbaba ng kaso ng infection ng COVID-19 sa maraming lugar sa Pilipinas.

Facebook Comments