Alegasyong miyembro ng triad si Vice Mayor Pulong, hindi kinagat ng ilang Senador

Manila, Philippines – Hindi pumasa kina Senators Tito Sotto III, Panfilo Lacson, at Richard Gordon ang alegasyon ni Senator Antonio Trillanes IV na miyembro ng triad si Presidential Son Paolo Duterte at ang ebidensya ay ang dragon tattoo nito sa katawan.

Balewala kay Senator Sotto ang nabanggit na akusasyon dahil bilang dating chairman ng Dangerous Drugs Board, ay batid niya na ang triad sa China at Hongkong ay para lang sa proteksyon ng mga negosyo roon kabilang ang nightspots at valets.

Sa pagkakaalam ni Sotto, ang droga ay kontrolado ng Bamboo Gang, 14k Gang at Xi-Yi-An Group kaya posibleng mali ang intelligence report ni Trillanes.


Si Senator Lacson naman nais munang makita ang intelligence report na pinagbasehan ni Trillanes ng alegasyon niya kay Vice Mayor Pulong.

Para naman kay Blue Ribbon Committee Chairman Senator Gordon, imposibleng magpalagay pa ng tattoo ang magmi-myembro sa sindikato ng iligal na droga.

Nagbiro pa si Gordon na pwede siguro ang tattoo ng Bahala Na, Sigue-Sigue at Oxo pero malabo ang tattoo para sa mga kasapi ng drug triad.

Facebook Comments