PAGASA: Delikadong lebel ng heat index, posibleng maranasan sa 26 na lugar sa bansa bukas

Posibleng magtuloy-tuloy pa ang matinding init ng panahon sa ilang mga lugar sa bansa, partikular sa Dagupan City, Pangasinan at Aparri, Cagayan bukas, araw ng Lunes.

Base sa huling monitoring ng PAGASA-DOST, inaasahang papalo muli sa 48 °C ang heat index sa mga nabanggit na lugar, habang 46°C naman sa Virac, Catanduanes at 45°C sa Laoag City, Ilocos Norte.

44°C na heat index naman ang posibleng maranasan sa Bacnotan, La Union; 43°C sa Batac, Ilocos Norte; Tuguegarao City, Cagayan; Echague, Isabela at Masbate City.


Habang 42°C sa NAIA, Pasay City; Sinait, Ilocos Sur; Iba, Zambales; Baler at Casiguran, Aurora; Subic Bay, Olongapo City; Sangley Point, Cavite; Ambulong, Tanauan Batangas; Infanta at Alabat, Quezon; Puerto Princesa City at Cuyo, Palawan; Daet, Camarines Norte; Pili, Camarines Sur; Dumangas, Iloilo; Catbalogan, Samar at Zamboanga City.

Facebook Comments