Alegasyong pagkawala ng 15 bilyong piso dahil sa korapsyon, itinanggi ng PhilHealth

86

Mariing itinanggi ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na nawalan sila ng 15 bilyong piso dahil sa korapsyon.


Ito ang sagot ng ahensya sa mga alegasyon nang nagbitiw na Anti-Fraud Officer na si Thorrsson Montes Keith.

Ayon kay PhilHealth President and Chief Executive Officer Ricardo Morales, walang katotohanan na ibinulsa ng ilang opisyal ang nasabing halaga ng pera.

Inilabas aniya ang nasabing pondo sa pamamagitan ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM) para sa 711 healthcare facilities sa buong bansa para matiyak ang financial liquidity sa panahon ng pandemya.

Ang IRM ay nagbibigay sa mga ospital na makapag-focus sa patient management at maihanda sila ng mga kakailanganing medical resources tulad ng gamot.

Matatandaang una nang hinamon ni Morales si Keith na patunayan ang mga akusasyon nito tulad ng schemes na cash advances, paggamit ng interim reimbursement mechanism, at patuloy na procurement ng IT equipment kahit na mayroon naman ang ahensya.

Facebook Comments