Mataas na opisyal ng PhilHealth, nagbitiw sa pwesto

140

Nagbitiw na sa posisyon ang isa sa mga vice president ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa gitna ng kinakaharap na isyu ng ahensiya.


Base sa abisong ipinaabot kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, bumaba na sa pwesto ang senior vice president for operation ng PhilHealth na si retired Brig. Gen. Augustus de Villa.

Ang resignation letter ay naka-address kay PhilHealth President and CEO Ricardo Morales na may nakasaad na effective immediately.

Tiniyak naman nito na present pa rin siya sa on-going na imbestigasyon ng Senado sa mga isyu sa PhilHealth.

Nagpasalamat naman si De Villa kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Board of Directors ng PhilHealth sa pagkakataong makapagsilbi sa ahensiya.

Facebook Comments