Manila, Philippines – Binweltahan ni Magdalo Rep. Gary Alejano si Isabela Rep. Rodito Albano matapos siyang sabihan na kainin nito ang kanyang ihahaing resolusyon kaugnay sa pagpapaimbestiga ng umano’y suhulan sa Commission on Appointments kapalit ng hindi pagkaka-appoint kay DENR Sec. Gina Lopez.
Giit ni Alejano, dapat na sumunod sa proper decorum si Albano at ang iba pang mga mambabatas.
Layon lamang ng kanyang ihahaing resolusyon na pangalagaan ang integridad ng CA at ng Kongreso.
Masama ang loob ni Alejano dahil minamasama ni Albano ang kanyang kahilingan na imbestigahan ang lobby money.
Bukod dito, hindi siya ang dapat hamunin na maglabas ng pruweba kundi si Pangulong Duterte dahil ito naman ang nagsabing money talks sa makapangyarihang komisyon.
Wala din umano siyang intensiyon na maghain ng ethics complaint sa mga mapapatunayang nakinabang sa lobby money kundi ang dapat na maghain ng reklamo ay ang mismong komite na mag-iimbestiga nito.
Matatandaang sinabi ni Albano kay Alejano na kung wala itong ebidensya na magpapatunay na mayroon ngang suhulan ay kainin nito ang ihahaing resolusyon at nagbanta pa si Albano na maghahain ng ethics complaint laban Kay Alejano.
DZXL558