Pinalalakas ang kamalayan ng daan-daang mag-aaral sa Bayambang ukol sa Teenage Pregnancy at Suicide sa ilalim ng kampanya na P.A.S.Y.A. o Proteksyon ng Aming Sarili, Yaman ng Aming Kinabukasan,na isinagawa nitong Pebrero 24 at 25, 2026 sa mga paaralan.
Unang isinagawa ang lecture sa A.P. Guevarra Integrated School sa Brgy. Manambong Norte, na nilahukan ng humigit-kumulang 400 mag-aaral mula Grade 7 hanggang Grade 12 at sumunod naman ang 230 mag-aaral sa Ambayat Integrated School.
Ayon sa datos ng Rural Health Unit II, naitala na sa bayan ang 27 kaso ng teenage pregnancy at 5 kaso ng suicide noon lamang buwan ng Enero.
Dahil dito, layunin ng programa na pigilan ang patuloy na pagtaas ng mga insidente ng maagang nabubuntis o nakakabuntis at suicide, at turuan ang mga kabataan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









