Nagtaas kahapon ang Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng alert level 1 sa Taal Volcano sa Batangas.
Ito’y matapos makapagtala ng 87 Volcanic earthquakes sa loob ng 24-hour observation period.
Intensity 1 ay naramdaman sa hilaga at katimugang bahagi ng Volcano Island, tibag at alas-an.
Sa ilalim ng alert level 1, wala pang inaasahang pagsabog pero ipagbabawal na sa publiko na pumunta sa bunganga o crater ng bulkan.
Paalala ng PHIVOLCS sa publiko na ang pagtira sa Volcano Island ay bawal dahil idineklara ang lugar na isang permanent danger zone.
Matatandaang huling pumutok ang taal noong october 3, 1977.
Facebook Comments