Hindi nakapagtala ng volcanic earthquake ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Pero ayon sa PHIVOLCS, hindi ito nangangahulugan na hindi na mapanganib ang bulkan.
Nakataas pa rin ang Alert Level 1 sa Mayon Volcano dahil sa abnormal na kondisyon nito.
Hindi man ito nagkaroon ngayon ng magmatic eruption, delikado pa rin na lumapit sa 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) dulot naman ng mga nagbabagsakang bato.
Huling nakapagtala ng sulfur dioxide emission na mayroong average na 676 tons kada araw noong pang December 29, 2020.
Facebook Comments