Alert Level 1 sa NCR sa Marso, posible – Duque

Malaki ang posibilidad na maibaba na sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR) sa Marso.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, bukod sa nasa “low risk” na ang healthcare utilization rate sa NCR ay naabot na rin nito ang required na 80% na mga bakunadong senior citizen at 70% mula sa iba pang eligible population.

Pero ayon sa kalihim, depende pa rin ito kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa mga susunod na araw.


Aminado naman si Duque na medyo delikadong magluwag sa NCR lalo na ngayong panahon ng kampanya.

Pero punto niya, kahit papano ay may proteksyon na ang mga tao mula sa COVID-19 dahil malaking porsiyento na ng populasyon ang bakunado na.

“Syempre, iba naman ang sitwasyon ngayon dahil marami na tayong mga kababayang bakunado lalo na dito sa NCR so hindi naman po maihahalintulad doon sa year 2020 na halos wala namang bakuna… hindi tulad ngayon na meron kang immunity from natural infection at both immunity from vaccination,” saad ni Duque.

Gayunman, nanawagan pa rin si Duque sa mga kandidato na pakiusapan ang kanilang mga supporters na sumunod sa public health protocols.

Facebook Comments