Muling nakapagtala ng tatlong earthquakes at isang rockfall event sa Mayon Volcano sa nakalipas na 24 na oras.
Ayon sa PHIVOLCS, nakataas pa rin ang alert level 2 sa bulkan kaya at nangangahulugang ito ay nasa moderate level ng unrest.
Dahil dito, muling pinapayuhan ang publiko na mag-ingat sa posibleng pagsabog, pagbubuga ng abo, lava collapses at pyroclastic density currents mula sa bulkan.
Ipinagbabawal pa rin ang pumasok sa loob ng six kilometer-radius permanent danger zone ng Bulkang Mayon.
Facebook Comments