Itinaas na sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal sa Batangas.
Ito ay dahil sa tumataas na aktibidad ng bulkan sa nakalipas na 24 oras.
Sa latest bulletin, nakapagtala ang PHIVOLCS ng 28 volcanic tremor episodes, apat na low-frequency volcanic earthquakes at isang hybrid earthquake na may lalim 1.5 kilometers mula sa ibabaw ng isla.
Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, nangangahulugan ito na mayroong magmatic acitivity na pwede o hindi naman posibleng humantong sa pagsabog ng bulkan.
Gayunman, mahigpit ang paalala ng ahensya sa publiko na iwasang magtungo sa Taal Volcano Island lalo na sa bisinidad ng Main Crater at Daang Kastila Fissure.
Facebook Comments