Alert Level 2 sa buong bansa, posibleng palawigin pa

Maaaring manatili sa ilalim ng Alert Level 2 ang buong bansa pagsapit ng Enero.

Ito ang inihayag ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez lalo na ngayong muling tumataas ang naiitalang bagong kaso kada araw.

Ayon kay Galvez, bagama’t “very stable” pa ang COVID-19 situation sa bansa ay naghahanda na ang Local Government Units sa posibleng surge ng mga kaso.


Sinabi pa ni Galvez na nagkaroon na rin sila ng emergency meetings kasama ng LGUs at mga Regional Inter-Agency Task Force.

Hindi rin aniya dapat balewalain ang banta ng mas nakakahawang Omicron variant kung saan nasa apat na ngayon ang kumpirmadong kaso sa bansa.

Pero ayon kay Galvez, sakaling magkaroon ng bagong surge dahil sa Omicron ay granular lockdowns na lamang ang kanilang ipatutupad upang hindi maapektuhan ang ating ekonomiya.

Facebook Comments