Alert Level 3 sa NCR at ibang lugar, papanatilihin hanggang January 31

Inirekomenda ni Misamis Oriental Rep. Juliette Uy sa Inter-Agency Task Force (IATF) na panatilihin ang Alert Level 3 sa Metro Manila at iba pang lugar na nasa ilalim din ng nasabing community restriction.

Ayon sa mambabatas, kung pagbabatayan ang mga nakalipas na mga karanasan, epektibo ang Alert Level 3 bago pa man tumama sa bansa ang Omicron variant dahil naging mababa ang mga kaso at bumaba rin ang occupancy rates ng mga hospital beds at COVID ICUs.

Mas dapat aniyang gawing “top priority” sa ngayon ang pagpapanatili sa mga unvaccinated individuals sa kanilang mga tahanan habang papayagan naman ang mga fully-vaccinated na ligtas na makalabas.


Hindi naman nakikita ng kongresista na dapat itaas pa sa Alert Level 4 ang NCR at hindi rin sang-ayon ito na maibalik ang mandatory na pagsusuot ng face shield.

Pinakikilos naman ng lady solon ang bawat barangay na kontrolin ang dami ng tao lalo na sa kanilang mga palengke o pamilihan.

Facebook Comments