4 na namatay sa riot sa loob ng kulungan sa Caloocan, pinangalanan na ng BJMP

302

Tukoy na ng Caloocan pulis at ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang panagalan ng apat na namatay sa sumiklab na riot kahapon, pasado alas 4:00 ng hapon sa loob ng piitan.

Sa inisyal na report ng Philippine National Police (PNP) nakilala ang apat na sina:
1. Arturo Biasa
2. Hans Omar kapwa meyembro ng Commando gang
3. Sherwin Perez
4. John Patrick Chicko ng Sputnik Gang

Matapos ang isinagawang clearing ng Kagawad ng NPD Swat, napag-alamang tinatayang nasa 30 ang naitalang sugatan.


Nag umpisa ang kaguluhan ng isa sa mga apat na namatay ay nagwala habang naglalaro ng kara krus, dahilan para sumaklolo ang magkabilang panig na nauwi sa riot.

Sa ngayon ay nagdagdag ng pwersa ang piitan habang nagsasagawa parin ng imbistigasyon ang Caloocan PNP at BJMP.

Nilinaw ni JSupt. Xavier Solda na hindi totoo na kapag nasa loob ng kulungan ay libre o ayos lang na manakit ng kapwa preso dahil umiiral parin ang batas.



Facebook Comments