Alert Level 4, itinaas na sa Gaza – DFA

Itinaas na ng pamahalaan ng Pilipinas sa Alert Level 4 ang Gaza Strip ngayong araw.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Eduardo de Vega, nangangahulugang mandatory na ang pagpapauwi ng mga Overseas Filipino worker o mga Pinoy na kasalukuyang naroon sa lugar.

Sa datos mula sa Embahada ng Pilipinas sa Jordan, sinabi ni De Vega na mayroon 137 na Pilipino ang kasalukuyang nasa Gaza na pinalilikas na at aasistehan sa pagtawid sa border patungo ng Cairo, Egypt.


Matatandaang nagdeklara ng state of war ang Israel laban sa Hamas matapos salakayin ng militanteng grupo ang Gaza strip noong October 7.

Facebook Comments