PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PANGASINAN, MULING HINIMOK ANG MGA PANGASINENSE NA SUPORTAHAN AT TANGKILIKIN ANG MGA LOKAL NA PRODUKTO NG LALAWIGAN

LINGAYEN, PANGASINAN – Patuloy pa ring inaanyayahan ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ang lahat ng Pangasinense na suportahan at tangkilikin ang mga produktong gawang Pangasinan.
Mismong si Pangasinan Governor Ramon V. Guico III ang naghihimok sa mga kapwa nito Pangasinense kung saan isa ito upang matulungan ang lalawigan sa pagpapalakas sa turismo.
Dahil sa layuning ito ng pamahalaan upang masuportahan ang mga gawang Pangasinan nagpasa ang Sangguniang Panlalawigan ng Provincial Ordinance No. 294-2023 o ang “Mandatory Promotion and Procurement of Locally-Produced Goods and Services in Pangasinan at layon nitong sa bawat aktibidad sa tanggapan ng lalawigan ay magmumula sa mga gawang Pangasinan.

Sa ilalim ng ordinansang ito, lahat ng ipapamahaging tokens sa aktibidad ng bawat tanggapan ng lalawigan ay magmumula sa lalawigan.
Tiniyak naman ng opisyal ang suporta sa mga produkto ng mga kabilang sa Micro Small Medium Enterprises tungo pa rin sa pagpapalakas ng turismo ng probinsya. | ifmnews
Facebook Comments