Itinaas na sa alert level 4 ang status sa Tripoli, Libya.
Ito ay dahil sa tumitinding kaguluhan sa nasabing bansa.
Ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA, nangangahulugan ang alert level 4 ng mandatory evacuation.
Kabilang sa nasa alert level 4 maliban sa Tripoli ay mga lugar na nasa 100 kilometers nito.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
East
- Tajoura
- Ghot Romman
- Qaraboli
- Qasr Khiyar
South
- Esbea
- Tarhuna
- Bani Waled
- Gharyan
West
- Aziziya
- Warshifana
- Zawia
- Surman
- Sabratha
Matatandaang puspusan ang ginagawang panghihikayat ng Embahada ng Pilipinas sa higit 2,000 Pilipino sa Libya kung saan 1,000 dito ang nasa Tripoli para umuwi ng bansa.
Facebook Comments