Miyembro ng Gun for Hire patay sa engkuwentro sa Pangasinan

Patay ang miyembro ng ‘Mamerto Gun For Hire Group’ sa Sta. Maria Pangasinan kaninang umaga sa engkuwentro ng pulisya.
Kinilala ang suspect na si Verson Aguilar Mamerto alyas “Jong” ng Barangay Cal-litang Sta. Maria Pangasinan. Ito ay nasa target list ng Criminal groups sa 5th at 6th na distrito ng Pangasinan. Hindi na naihain pa ang warrant of arrest para dito dahil agad na nagpaputok ang suspect sa puwersa ng pulisya.
Natagpuan ang isang cellphone, isang airgun, pitong basyo ng bala ng caliber . 45 at 16 na basyo ng bala ng caliber. 9mm at isang bullet proof na vest sa bahay nito.
Samantala itinakbo ang suspect sa Asingan Hospital Pangasinan ngunit idineklara ng Dead on Arrival. Photo Credit: PNP PRO1 Facebook Page [image: 57454649_326583768042998_2400817071274328064_n.jpg]

Facebook Comments