Alert Level 4 sa Myanmar, mananatili ayon sa DFA

Mananatili ang Alert Level 4 status sa Myanmar.

Sinabi ito ng Department of Foreign Affairs (DFA) kasunod ng pag-apela ng mga Pilipino na nais bumalik doon upang makapagtrabaho.

Bagama’t naiintidihan ng DFA ang pagnanais ng mga apektadong OFWs ay sinabi rin ng ahensya na para rin ito sa kanilang kaligtasan.


Sa ilalim kasi ng Alert Level 4 ay kailangang magsagawa ng mandatory evacuation ang gobyerno sa mga apektadong Pilipino.

Dahil dito, inabisuhan ng DFA ang mga nananatili sa Myanmar na huwag lumabas ng bahay kung hindi naman importante ang lakad at iwasan ang pampublikong lugar.

Batay sa pinakahuling datos ay nasa 701 na Pilipino o katumbas ng 60% ng mga OFWs sa Myanmar ang nailikas na pabalik ng Pilipinas

Matatandaang itinaas sa Alert Level 4 ang Myanmar noong May 2021 dahil sa tumitinding internal conflict doon na nagsimula noong February 2021.

Facebook Comments