69% ng mga Pilipino, pabor sa pagbabalik ng ROTC program sa senior high ayon sa survey ng Pulse Asia

107

Pabor ang mayorya ng mga pilipino na ibalik ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program sa senior high school.

Batay ito sa resulta ng Pulse Asia survey na kinomisyon ni Senator Sherwin Gatchalian kung saan lumalabas na nasa 69% ng mga pilipino ang sang-ayon sa muling pagpapatupad ng ROTC.

Lumalabas din sa datos ng survey na 16% ang hindi sang-ayon dito, at 15% ang undecided.


Ayon sa Pulse Asia, isinagawa ang survey noong Hunyo 24 hanggang 27 kung saan tinanong ang aabot sa 1,200 Filipino adult respondents.

Facebook Comments