Alert Level Bravo, itinaas sa NCR dahil sa bagyong betty

Itinaas na ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC) sa “Alert Level Bravo” o Moderate Risk ang National Capital Region (NCR).

Ginawa ito ng MMDRRMC matapos ang kanilang ginawang pre-disaster risk assessment meeting para sa bagyong Betty.

Nakaantabay naman na ang lahat ng rescue personnel at equipment ng Metro Manila Development Authority (MMDA) gaya ng fiberglass boats, aluminum boats, rubber boats, life vest, iba pang equipment, rescue vehicles, at military trucks kung sakaling kailanganin ng tulong ng mga lokal na pamahalaan ng NCR.


Nakatakdang magpulong muli ngayong araw ang MMDRRMC para sa latest developments ng bagyo.

Hindi lamang galaw ng bagyo ang binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kung hindi pati ang epekto nito sa habagat na posibleng magdulot ng pag-ulan at pagbaha sa Metro Manila.

Facebook Comments